Comment saken kanina, “ kung mahal mo ipaglaban mo at gawin mo lahat ng magagawa mo, para masabi nang siya na talaga”. Naisip ko tuloy, kelangan mo pala talaga gawan ng paraan para mapasayo. Ganun naman ako date, lahat gagawin. Lahat tuloy ng enerhiya ko naubos na nuon pa lang. pero kaya ko naman ibalik yun, magpakundisyon ulit. Kase ngayon alam kong handa na akong magmahal muli. Yung tipo bang walang halong biro. Hindi pagibig pambata. Kasi tama sila “hindi na ako bata” pero sa ibang bagay hindi pa rin ako matanda or baka hinog ang tamang salita. Tapos nanaman ang kahapon. Eto nanaman ang ngayon at paparating nanaman ang kinabukasan. Minsan di ko alam kung matutuwa ako sa bawat pagsikat ng araw sa tuwing dudungaw ako sa bintana. Ang sarap ng pakiramdam nung alam mong may halaga ka sa mundo, lalo sa taong mahal mo. At minsan gusto mo ng gabi nalang lage para kahit panu antok ka at wala ka sa diwa mo na hindi ka pala talaga niya mahal. Pero huwag kang magiisip ng ganyan kase ang totoo niyan mahal ka talaga niya. Kelangan mo nalang pagaralan muli kung panu magreserba ng madaming madaming madaming panguunawa at mahabang mahabang mahabang pagpapasensya. Naisip ko tuloy, hindi lahat ng inuumpisahan kelangan ng katapusan. Aplikabol yan pagdating sa pagibig, sa buhay. Sana laging may “…and they lived happily ever after” kaso nga kase may salita kaseng “never” which is nakakainis. Tuloy may kasabihang “… and they lived happily never after”. San nga ba patungo tong blog na to? Nilalayon nito na sana matulungan ka sa ilang problema mo na inuudyok ka para isiping “tama na, ayoko na”. hindi ko lam kung masasagot talaga.
Sinaktan ka ba ng mahal mo? O nasaktan? Natutuwa talaga ko sa paggamit ng mga gantong salita. Simple at ordinaryo, pero pag naisip mong pagkumparahin, katutubo mo nang salita mali pa ang paggamit. Sinaktan ka o sinaktan, pareho pa din yan dahil di niya maitatangging di siya nagdulot ng sakit. Sinadya man o hindi. Pinili niya ito, at alam niya kung makakasakit ba to o hindi. Ngunit kung ngayon ay humingi siya ng kapatawaran at mahal mo naman, sabi ng iba e tigilan mo na ang pagtaas ng noo mo. Pero eto lang, huwag kang papaabuso. Panu mo malalamang inaabuso ka na? saken? Lima, sampu, benteng pagkakamale ang basehan ko bago ko masabing “hindi na tama yun”. E ikaw ba? Tandaan ang pasensiya at pagunawa. Huwag ka namang padadala sa simpleng bagay o sabihin na nateng matinding pagkakamale. Nasan ba yung sukatan ng tunay na pagmamahal ngayon? – ako mismo hindi ko na alam. May mga taong di sinusukat merun ding mapuna. Gaya ko, mahilig magkumpara ng sarili sa iba. Pero hindi naman nakikipagkompetensya.
Lahat naman tayo humihiling ng pangmatagalang relasyon. Yung masasabing “eto na talaga”. Kase sobrang sakit nung akala mo kayo di naman pala. Date, umasa ko sa mga salitang mahal kita at kahit anung mangyare walang iwanan. Kaso sadyang hindi mo maiiwasan yun. Hindi mo hawak ang oras at ang kapalaran mo ngunit meron kang magagawa para mabuo at gawin itong matatag subukin ng matitinding galit ng kalikasan. Kaya hanggat may pagkakataon para ipaklaban ang mahal mo, gawin mo na ng walang pagaalinlangan. Kung hindi mo mahal, huwag mo ng paraanan dahil nagsasayang ka lang ng panahon na sana nilaan mo nalang sa pagaaral at sa pamilya mo.
Isang bagay na ikahihiya mo ay ang sabihing minahal mo talaga siya pero ni isang bagay para gawing espesyal siya sayo ay hindi mo nagawa.
Hindi ko na alam panu magmahal o baka naman, “talagang hindi ko alam kung paano” para saken pag mahal mo, ayaw mong mawala at gusto mo na makasama habang buhay. Kahit ba, kakikilala mo lang, bago lang, mga ganung pagkakataon. Mayroon ka na kaseng ideya ng kung anong klase ng pagtao ang gusto mo makasama sa buong buhay mo. Yung pagsisilbihan mo at yung paraang nakikita mo kung pano ka niya pagsisilbihan. Kinikilig tuloy ako. Kahit di talaga to yung nararamdaman ko sa ngayon. Nang i-release ng “savage garden” yung kanta nila na naging hit nung 90s, nagsasabi sila ng totoo. “bago pa man kita makilala, alam ko ng mahal kita”. Have you ever had that kind of feeling? Whats more kung nakilala mo na tong taong to.
May palalampasin ka pa bang pagkakataon?
May isang bagay saken na kahit kelan ito ang pagkakamali ko “ ang di paglunok ng pride”. Ayoko tumanggap ng pagkakamali ng ibang tao, hindi ko naisip na lahat pala tayo nagkakamali. Kelangan lang intindihin at tulungang itama nila yun. Gaya ko, sa totoo nian tinutulungan naman ako ng mga mahal kong itama tong pagkakamaling to pero natural ng matigas ako at lumaki na akong ganto. Para bang nasa outerspace yung pride, di ko narealise na hindi pala interesado ang mga tao para abutin ito o hindi lahat. Nahihiya’t nahahabag ako para sa mga taong lumunok ng pride nila para lang sa tulad kong gaya ng ibang ordinaryong tao. Sa pagkakaataong ito, humihingi ako ng paumanhin.
Wala akong tiwala. Hindi ko alam ang puno’t dulo nito. Dati naman, todo bigay ako ng tiwala pero bakit ngayon. Aha- siguro kase ayaw ko na masaktan. Ayoko na masiraan uli ng ulo, maging sobrang imaginative na nauuwi sa pagka paranoid. Ang hirap nun kung alam niyo lang. pilitin ang isip na huwag gawin ang nakatokang gawain niya. Pano mo naman kase patitigilin sa pag andar ang isip mo kung walang nagmomotivate. Laging may tao o anu man sa likod ng isang bagay para kumilos ito. Gaya ng isang makinarya, kelangan ng tao para gumana at ang dios naman sa pagiisip ng tao. O nasagot na pala tanong ko.

hmm is really difficult to read you know ;P
ReplyDelete